GROWQC Mobile Kitchen Pinamigay sa Brgy. Holy Spirit

7:41 PM

Umarangkada na ang ating GrowQC Mobile Kitchen!

Sa pangunguna nina Mayor Joy Belmonte, Punong Barangay Chito Valmocina, Coun. Star Valmocina, at Quezon City Police District Dir. Gen. Antonio Yarra, namahagi ang lokal na pamahalaan ng nutritious na "Super Lugaw" na gawa sa kalabasa at malunggay para sa 1,000 residente ng Barangay Holy Spirit. 

Namhagi si Mayor Joy Belmonte ng ‘super lugaw’ sa mga residente ng Brgy. Holy Spirit, sa tulong ngmga barangay officials na siniguradong masusunod ang social distancing at safety protocols.


Ang GrowQC Mobile Kitchen - Nutrition Feeding Program ay proyekto ng lungsod Quezon sa pangunguna ng QC Food Security Task Force (QC-FSTF) para makapagpaabot ng masustansiyang pagkain sa QCitizens na nangangailangan, kabilang dito ang mga lugar kung saan ipinatutupad ang Special Concern Lockdown. 


Ang ilan naman sa mga rekado ng mga pagkain na inihahain sa mobile kitchen ay mula sa ating urban farms sa lungsod. Ang pagtatalaga ng urban farms at gardens ay bahagi din ng inisyatibo ng lokal na pamahalaan para sa food security ng Quezon City.


Kaagapay sa GrowQC Nutritious Feeding Program ang Council for the Development of Volunteer Leaders (CDVL) na pinamumunuan ni Capt. Walter C. Canque, MM


9 comments:

  1. Wow Ang galing naman ng QC sana sa ibang city magkaroon din ng ganito..

    ReplyDelete
  2. ang galing naman ng pamahalaang lungsod ng QC, siguradong nakapagbigay sila ng saya at pag asa sa mga kababayan natin sa QC na nakakaranas ng gutom ngaung pandemya,salute😍

    ReplyDelete
  3. Great Moves City Mayor Joy Belmonte of QC. Atleast ramdam nang mga taga brgy. Holy spirit hindi sila napapabayaan.

    ReplyDelete
  4. Malaking tulong po yan sa mga mamamayan ng QC. Salute..Godbless po

    ReplyDelete
  5. sana dumami pa ang mga ganitung gawain,tulong tulong,..Yan ang Pinoy nagkakaisa nagbibigayan..
    ellaineparame

    ReplyDelete
  6. Ang healthy ng lugaw may gulay. Galing Naman ng QC ❤️

    ReplyDelete
  7. Big help po itong mga ginagawang pamahalaang lungsod Quezon City. Keep it up po.

    ReplyDelete
  8. woww God bless sa tumulong🙏🙏🙏

    ReplyDelete

God Bless & Stay Safe!

Stuckwith3. Powered by Blogger.